Lumabas na ang tunay na kulay… WILLIE, OLATS NA SENADOR, WALA NANG GANANG TUMULONG
- BULGAR
- 8 hours ago
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 19, 2025
Photo: Willie Revillame - FB
Hala, grabe naman ang bagong isyu ni Willie Revillame.
Matapos kasing matalo ito sa eleksiyon, may pahayag umano itong nawalan na siya ng gana na tumulong sa kapwa o mga nangangailangan gaya ng kanyang gawain dati.
If ever mang totoo ngang tila nanunumbat o naniningil kumbaga ang TV host dahil parang inaasahan niyang iboboto siya ng mga taong kanyang pinasasaya sa TV man o mga nabibigyan niya ng tulong, lumalabas palang hindi siya sincere sa kanyang gawain.
Na naghihintay pala siya ng kapalit sa huli porke nais niyang magkaroon pa ng power thru politics?
Tsk, tsk... lalo yata niyang naipakita sa madla ang kanyang totoong pagkatao na porke tumulong ka ay dapat ka ring makatanggap ng pabor sa huli?
Tila hindi lang ang anger management issue ang dapat i-address ni Willie if ever mang totoo ngang may ganyan siyang pahayag.
Sa nakikitang imahe niya sa ngayon, ayon na rin sa kanyang mga salita at gawain, lumalabas ngang “put on” o hindi pala tunay ang kanyang adbokasiya na makatulong at magpasaya?
Tsk, tsk, tsk... ‘yun ang nakikita ng mga tao sa kanya, kaya siguro natalo siya.
IPINASILIP naman ng veteran actress-singer na si Vina Morales ang kanyang recording para sa theme song ng pagbibidahang serye na Cruz vs. Cruz (CVC).
Sa kanyang Instagram (IG) post, sinabi ni Vina na grateful siya sa GMA Network at excited siyang muling mapakinggan ng mga Kapuso ang kanyang boses tuwing hapon.
Bukod diyan, malapit na ring mapanood ang pagbabalik-teleserye ni Vina.
Star-studded ang cast ng CVC kung saan makakasama ni Vina sina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, at Cassy Lavarias.
Abangan ‘yan soon on GMA Afternoon Prime.
MATAPOS naman ang kanyang Pinoy Big Brother (PBB) journey, tuluy-tuloy ang mga guestings at projects ng Sparkle artist na si Michael Sager. Ilan dito ang pagiging Unang Hirit (UH) host-mate na nagpapasigla sa morning barkada at ang pagpapasaya sa tanghalian kasama ang TikToClock.
Nitong nakaraan naman ay nag-post ang Sparkle ng isang throwback video sa kanyang PBB Journey, kung saan nagpakita ng suporta ang kanyang mga fans.
Sey ng ilang netizen, “The Big Winner we never had.”
Bumubuhos ang suporta ng mga fans, hindi lang sa kanya kundi sa duo nila ni Emilio Daez.
Samantala, nakaabang naman ang mga fans sa iba pang upcoming projects ni Michael, isa na rito ang muli nilang pagtatambal ni Jillian Ward.
Sey ng isang netizen, “Basta kami MicJill lang wait namin another project nila.”
Ano pa nga kaya ang mga pasabog ni Michael ngayong 2025?
Comments