Lugar na mababa ang COVID cases... Face-to-face classes, oks — DepEd
- BULGAR

- Jul 17, 2020
- 1 min read
ni Madel Moratillo | July 17, 2020

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na payagan na ang "limited face-to-face classes" sa mga lugar na may mababang risk ng covid-19 transmission. Gayunman, nilinaw ni Education Secretary Leonor Briones na papayagan nila ito pero may mga ipatutupad silang kondisyon.
Ang pahayag ni Briones ay kasunod na rin ng mga panukala na nananawagang payagan ang face-to-face classes sa ilang lugar.
Ilan sa kondisyon ng DepEd para sa face-to-face classes ay dapat limitado lamang sa isa o dalawang beses ang klase.
Bago naman payagang makapagsagawa ng pisikal na klase sa isang lugar ay susuriin muna ng inter-agency task force kung ligtas na ba talagang magsagawa ng face-to-face classes sa lugar na iyon.
Kung makapasa, sinabi ni Briones na titingnan din ng DepEd kung may sapat na resources ang eskuwelahan para magsagawa ng ligtas na klase gaya ng kung may lugar ito para sa paghuhugas ng kamay, at may sapat na espasyo para sa physical distancing.
Giit ni Briones, ayaw naman nilang isubo ang mga guro at estudyante sa mga lugar na mataas ang covid transmission.
Samantala, sa Agosto 24 nakatakdang magbukas ang klase sa bansa sa pamamagitan ng distance learning.





Comments