top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

LTFRB Chairman na sangkot sa korupsiyon, sinuspinde lang, dapat sinibak at kinasuhan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 11, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 11, 2023


SANA ALL NG DEPARTMENT HEADS TULAD NI SOLGEN GUEVARRA NA HINDI NATATAKAM SA CONFI FUNDS -- Sa budget deliberation sa Senado ay sinabi ni Solicitor General (SolGen) Menardo Guevarra na ‘yung P19 million confidential fund na nakalaan sa kanyang tanggapan ay puwede raw tanggalin at ibigay ito sa mga ahensyang may mandato sa law enforcement at national security.


Sana all ng mga department heads ay tulad ni SolGen Guevarra na hindi natatakam sa confi funds, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘


ANG KURAKOT DAPAT SINISIBAK AT KINAKASUHAN, ‘DI LANG SINUSUSPINDE -- Inatasan ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang Dept. of Transportation (DOTr) na suspendihin sa puwesto si Chairman Teofilo Guadiz ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa pagkakasangkot nito sa corruption sa ahensya.


Aba teka, bakit suspensyon lang? Ang dapat sa mga kurakot ay sinisibak sa puwesto at kinakasuhan, period!

◘◘◘


TILA YATA MAY MGA GUSTO NA NAMANG KUMITA SA FACE MASK AT FACE SHIELD KAYA PINASISIKAT NA NAMAN ANG COVID-19 -- Inanunsyo ng Dept. of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 1,264 COVID-19 cases mula October 2 hanggang October 8, 2023, at sa mga COVID-19 victims na ito ay anim daw ang namatay at 272 daw ang nasa kritikal na kondisyon.


Tila yata may mga gusto na namang kumita sa face mask at face shields kaya pinasisikat na naman ng DOH ang COVID-19 virus, boom!


◘◘◘


IMBES SUPORTAHAN ANG MGA MAGBABABOY SA ‘PINAS, BIBIGYAN PA NG DA NG KAKUMPETENSYANG IMPORTED NA KARNE NG BABOY -- Sinabi ni Dept. of Agriculture (DA) spokesman Arnel de Mesa ay mag-i-import daw ang DA ng mga karne ng baboy dahil sa darating na 10 araw ay kakapusin na raw ng supply ng baboy ang Pilipinas dulot ng problemang African swine fever (ASF) sa bansa.


Hay naku, imbes solusyonan ng DA ang problema sa ASF at bigyan ng suporta ang mga magbababoy sa Pilipinas para mas dumami pa ang mga alaga nilang baboy, eh ang pokus, mag-angkat ng imported na karne ng baboy para kumpetensyahin ang mga nagtitinda ng lokal na karne ng baboy, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page