LPA, namataan sa silangan ng Daet, Camarines Norte
- BULGAR

- Jul 29, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 29, 2020

Namataan ang isang low pressure area kaninang alas-3 ng madaling araw sa silangan ng Daet, Camarines Norte na may layong 115 kilometers, ayon sa PAG-ASA.
Asahan sa Aurora, Bicol region at kanlurang bahagi ng Kabisayaan, maulap na kalangitan, kalat-kalat at malalakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan.
Sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, maulap na kalangitan, malalakas na pag-ulan dulot ng LPA.
Patuloy rin ang pagmomonitor ng PAG-ASA sa LPA ngayon hanggang sa Sabado.








Comments