LPA, namataan sa east northeast ng Casiguran, Aurora
- BULGAR

- Aug 16, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 16, 2020

Namataan ang isang low pressure area (LPA) kaninang alas-3 ng madaling araw sa silangan hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora na may layong 225 kilometers (17.2 N, 124.0 E), ayon sa PAG-ASA.
Asahan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos provinces, ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan dulot sa LPA.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, may maulap na kalangitan, malalakas na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng flash floods o landslides sanhi ng mahina hanggang sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Patuloy ang pagmomonitor ng PAG-ASA sa LPA ngayong Linggo.





Comments