top of page
Search
  • BULGAR

Love life na darating sa Water Sheep, mabilis ding mawawala

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | July 23, 2020


Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa bawat animal sign ngayong 2020, talakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng Sheep o Tupa ngayong Year of the Metal Rat. Ang Sheep o Tupa ay tinatawag ding Goat o Kambing.

Alalahaning ang Sheep o Tupa ay nahahati sa limang uri, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Sheep o Bakal na Tupa - silang mga isinilang noong 1931 at 1991

  • Water Sheep o Tubig na Tupa - silang mga isinilang noong 1943 at 2003

  • Wood Sheep o Kahoy na Tupa - silang mga isinilang noong 1955 at 2015

  • Fire Sheep o Apoy na Tupa - silang mga isinilang noong 1967

  • Earth Sheep o Lupa na Tupa - silang mga isinilang noong 1979 at 1939

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Sheep, at ngayon, pag-usapan naman natin ang magiging kapalaran ng Water Sheep o Tubig na Tupa ngayong 2020.


Ngayong 2020, sa panahong patuloy na nananalasa ang Covid-19, hindi lang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo, malalaki at hindi inaasahang suwerte ang bigla-biglang darating sa iyo, higit lalo sa mga bagay na may kaugnayan sa materyal na bagay at salapi. Anumang halaga ang iyong mahawakan, ito ay dapat mong sinupin at ingatan, dahil may babala na kahit gaano pa kalaking halaga ang iyong mahawakan ngayong 2020 hanggang 2021, kapag ito ay hindi mo itinabi o iningatan, agad-agad itong mauubos at mawawala.


Kung ikaw ay isinilang noong 1943, tulad ng nabanggit na sa itaas, may malalaking halaga ng salapi na darating sa iyo, na dapat mong pahalagahan, kasabay nito, ingatan mo rin ang iyong kalusugan upang ang malaking halaga ng salapi ay magastos mo pa sa pagpapasaya at pagpapasarap ng iyong buhay. Tandaan mong habang malakas ang iyong katawan, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang tuluy-tuloy na bubuhos at darating sa iyo ngayong 2020 hanggang 2021.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ay halos ganundin, may darating ngunit biglang mawawala at lilipas agad ang damdamin. Ngunit dahil ikaw ay teenager pa lang, partikular kayong mga isinilang noong 2003, ang mga kabiguan o pagkasiphayong ito sa pag-ibig ay hindi mo dapat damdamin dahil ito ay pasamantala lamang. Sa halip, ang mas mainam ay mag-concentrate ka sa career at pag-aaral, ibig sabihin, sa panahong ito ng iyong buhay, i-priority mo ang pag-aaral at career bago ka tuluyang lumusong sa malalim at seryosong pakikipagrelasyon. Sa ganu’ng paraan, magkakamit ka ng mas matagumpay at maligayang kapalaran habambuhay.


Sa pangkalahatan at bilang gabay mo para sa buong taon, tandaang sa panahong ikaw ay namumroblema, lalo na ngayong laganap pa rin ang Covid-19, i-focus mo ang iyong isipan sa iyong mga layunin at sundin mo ang intuition o malalim na pakiramdam na bumubulong sa iyong damdamin. Kapag sinunod mo ang intuition sa halip na reason o isip, tiyak na dadalhin ka ng iyong matalas at mahusay na pandama sa mas matagumpay at maligayang buhay sa buong 2020 hanggang 2021.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page