top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Love life, dapat isantabi ng bebot na ipinagpalit sa BFF; pag-a-apply abroad, uunahin dahil aasenso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| October 15, 2020




KATANUNGAN

  1. Naghiwalay kami ng boyfriend ko matapos ang halos isang taon naming relasyon, pero hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Nais kong malaman kung magkakabalikan pa ba kami kahit may nililigawan na siyang iba? Ang masakit nito ay bestfriend ko ‘yung babae.

  2. Kung hindi kami magkakabalikan, sino ang lalaking inilaan sa akin ng kapalaran at kailan ko siya makikilala at kailan siya darating?

  3. Pang-huling tanong, Maestro, kung makapag-aabroad din ba ako bilang caregiver na siyang pinagkakaabalahan ko bago ang pandemic, kapag natapos ba ang COVID-19, dapat ko pa bang ituloy ang aking pag-a-abroad?

KASAGUTAN

  1. Huwag mo nang isipin ang ganyang klase ng lalaki dahil panggulo lang siya sa buhay mo. Ito ang nais sabihin ng maraming bilog at putol-putol na Heart Line sa unahan hanggang gitnang bahagi (Drawing A. at B. h-h arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na kung ngayon lang, sa edad mong 25 pataas, malabo ka pang lumigaya at magtagumpay sa larangan ng pag-ibig kung saan sa tuwing makikipagrelasyon ka, pagluha at pagtatalusira ang laging magiging sukli.

  3. Kaya tulad ng nasabi na, sa panahon ngayon, huwag mo munang intindihin ang mga lalaki o pakikipag-boyfriend. Sa halip, ang atupagin mo ay ang pagpapaunlad muna ng iyong career. Kaya mapapansing eksakto at tama ang ginagawa mo ngayon, mag-concentrate ka sa ginagawa mong pag-a-apply sa abroad dahil kung pangit ang iyong Heart Line (h-h arrow a. at b.), sadya namang pinagkalooban ka ng isang maganda, malawak at aliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Tanda na sa pangingibang-bansa, susuwertehin ka at mas madali mo nang makalilimutan ang mga nagdaang kabiguan sa larangan ng pag-ibig. Kapag nakalimutan mo na ngayon ang mga lalaki, sa pag-a-abroad, aasenso at siguradong magtatagumpay ka. Gayundin, sa panahong may asawa ka na, may pangako maligayang pagpapamilya habambuhay, na kinumpirma at pinatunayan ng maganda at makapal na Marriage Line (1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  5. Tanda na kung bigo ka sa unang pag-ibig at sa kasalukuyan ay pagluha lamang ang dinulot ng iyong ex-boyfriend, umasa kang sa panahon ng pag-aasawa, tiyak na matagumpay ka at magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sadyang may panahon sa bawat pangyayari sa silong ng langit at sa kaso mo, Charit, hindi pa panahon upang umibig at ma-in love. Sa halip, ang angkop sa kasalukuyan ay ang pagandahin at paunlarin ang career sa pamamagitan ng pag-a-apply sa ibayong-dagat.

  2. Ayon sa iyong mga datos, nakatakdang mangyari sa 2021 sa buwan ng Nobyembre o Disyembre, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Habang pagsapit naman ng 2023, sa edad mong 28 pataas, ito naman ang panahon na muli kang mai-in love at magkakaron ng bagong boyfriend na may zodiac sign na Aries kung saan ang lalaking ito ang makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page