Lockdown, tiyaking ‘di nalalagay sa alanganin ang ekonomiya
@Editorial | March 24, 2021
Matagal-tagal na tayong naka-community quarantine at hindi biro ang bawat araw na itinatawid sa gitna ng napakaraming limitasyon.
Mula sa pinakamahigpit hanggang sa pinaluwag at ngayo’y naghigpit na naman dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito ang panawagan sa mga kinauukulan na maging mas epektibo ang mga polisiya sa ipinatutupad ngayong lockdown.
Paghihigpit na hindi lamang pipigil sa pagkalat ng COVID-19, kundi nakatutugon pa rin sa mga pangangailangan ng ekonomiya.
Samantala, kasabay ng ipinatutupad na lockdown ay ang patuloy na pagsusulong sa Bayanihan 3. May mga naniniwalang ito ang susi upang maging epektibo ang lockdown dahil kakailanganin ng ayuda kapag bumabagal ang economic activity sa bansa.
Ang tanong, may pondo bang mapaghuhugutan?
‘
Kung wala, huwag na nating ipilit dahil baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon.
Timbangin muna kung ano ang mas kailangan.
Sa ngayon, kailangan talagang magtulungan ang lahat. Wala tayong ibang aasahan kundi ang isa’t isa. Unawain ang kalagayan ng gobyerno, ng mga negosyante at manggagawa.



Comments