Lloyd Cadena, nagpositibo sa COVID-19 bago pumanaw
- BULGAR

- Sep 7, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | September 7, 2020

Kinumpirma ng pamilya ni Lloyd Cadena nitong Linggo na nagpositibo ang Pinoy vlogger sa COVID-19 bago ito pumanaw.
Sa inilabas na pahayag sa official Facebook page ni Lloyd, sinabing September 1 nang
dalhin siya sa ospital dahil sa mataas na lagnat at pag-ubo.
Agad itong sumailalim sa COVID-19 test at nalamang positibo noong September 3. Kaya
naman nag-isolate agad ang pamilya nito pati na rin ang mga kaibigan para sa kaligtasan ng lahat.
Noong September 4, sinabi ng mga staff ng ospital na unresponsive na at namumutla na si Lloyd. Kinumpirma ng mga doktor na inatake na ito sa puso habang tulog.
Kinabukasan, September 5 ay na-cremate na ang labi ni Lloyd at kasalukuyang nasa bahay nila sa Cavite.
Lubos namang nagpapasalamat ang pamilya sa lahat ng nakiramay at nagbigay ng dasal
para kay Lloyd at sinabing tumatanggap sila ng card at bulaklak na maaaring ipadala sa
bahay nito sa Parañaque.
Si Lloyd Cadena ang isa sa mga nangungunang Pinoy vloggers sa bansa. Nagsimula itong mag-post ng video sa YouTube noong 2011. Sa ngayon ay umabot na sa 5.29 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube at 6.6 milyong followers sa Facebook.





Comments