top of page

Um-attend sa after party ng Oscars… LIZA, TINAWAG NA STARLET, MASEL-MASEL NA KATAWAN, NILAIT DIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 6, 2025



Photo: Liza Soberano - IG


Gaya ni Pia Wurtzbach na nakatanggap ng matinding bashing dahil sa latest activity nito featuring Bazaar magazine, matindi rin ang inabot ni Liza Soberano.


Sa naging pagdalo kasi ni Liza sa after party ng Oscars courtesy of Elton John, hindi lang ang “starlet” tag ang ginawang issue sa dating kilalang aktres sa bansa, kundi maging ang kanyang aura.


Binatikos kasi ang kasuotan nito sa nasabing event na parang one of those lang daw, kaya’t maging ang tila masel-masel nitong katawan ay nilait pa nang husto.


Ang nasabing event ay bahagi lang ng exposure program ni Liza sa kanyang nais na ma-penetrate na Hollywood circle.


Siyempre, full support ang mga nakakakilala sa kanya at mga nagmamahal, pero para sa noon pa ma’y bashers na niya, walang bearing o impact sa kanila ang mga ganyang exposure.


Kaya nga “starlet” ang label nila sa dating kinikilala at pinag-aagawang aktres sa bansa.

Nakaka-sad pero naniniwala pa rin kami na very soon ay makaka-hit din ng jackpot na exposure si Liza.


Hmmm… sige lang ang panlalait dahil soon, who you rin kayo sa amin. Hahahaha!


Pinarangalan ng BIR… VICE, DINGDONG, DENNIS, JENNYLYN,KIM, DANIEL AT KATHRYN, PASOK SA MGA TOP CELEBRITY TAXPAYERS


HINDI raw pamumulitika ang pagbibigay-recognition ng Quezon City government sa mga top celebrity BIR taxpayers.


Ayon pa sa post ng QC BIR, matagal na raw ginagawa ng agency nila ang bigyan ng recognition ang mga celebrity influencers at taxpayers na marunong sumunod o gumanap sa tungkulin nila bilang mamamayan.


Ang ilan nga sa mga pinarangalan na masisinop at tapat magbigay ng share ng income nila sa gobyerno ay sina Vice Ganda, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Kim Chiu, Darren Espanto, Albert Martinez, Daniel Padilla, Julia Barretto, Allen Dizon at Jason Dy.


Hindi naman nakarating sa nasabing seremonya ang iba pang top celebrity taxpayers gaya nina Bossing Vic Sotto, Joey de Leon, Piolo Pascual at Kathryn Bernardo.


Sa mga humopia na magkikita sa nasabing event sina Kathryn at DJ (Daniel Padilla), nabigo sila dahil ini-represent ni Karla Estrada ang anak sa event.



ISA nang ganap na leading man si McCoy de Leon kung ang pagbabasehan natin ay ang impact ng latest movie niyang In Thy Name (ITN).


Committed at dedicated ang atake ng role ni McCoy bilang si Fr. Rhoel Gallardo, ang paring martir na binihag ng mga Abu Sayyaf terrorists noong taong 2000 at brutal na pinaslang, sampu ng iba pang hostages.


Maganda kasi ang execution ng mga direktor ng movie na sina Ceasar Soriano at Rommel Galapia Ruiz na halata namang nag-research sa materyal nilang matatawag ding kontrobersiyal.


Technically, kapuri-puri ang movie dahil legit na masukal na kabundukan ang karamihan sa mga eksena. Madadala ka talaga sa authenticity ng produksiyon, kaya’t mapi-feel mo ‘yung sagupaan ng mga terorista at militar.


Sobrang nakakalungkot nga lang na masaksihan sa widescreen ang mapait na katotohanang sa crossfire ng magkabilang grupo, hindi mo na malalaman kung kaninong mga bala ang pumapatay sa mga sibilyan.


Mula kay McCoy na mukhang kinarir talaga ang papel bilang very faithful na si Fr. Gallardo, kapuri-puri rin ang pagiging ‘demonyo’ nina JC de Vera at Mon Confiado bilang mga Abu Sayyaf leaders na ipinakitang may matindi ring ‘faith’ sa Muslim religion nila.


Naku, panoorin ninyo po ang movie dahil ito yata ang unang pelikula this year na nagustuhan naming irekomenda nang wagas sa madlang pipol.


R-16 nga lang ang rating ng MTRCB dito dahil sa tema at mga kahindik-hindik na eksenang patayan, pugutan ng ulo, kamay at daliri, etc. etc.


Ang ilan pa sa mahuhusay na artistang kasama ay sina Alex Medina, Yves Flores, Jerome Ponce, Ping Medina, Soliman Cruz, Aya Fernandez at may mga cameo roles din sina John Estrada, Richard Quan at marami pang iba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page