top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Livelihood program sa mga barangay, mas palawakin

BULGAR
Jun 4, 2022
1 min read

@Editorial | June 4, 2022


Taas-presyo na naman! Hindi na mapipigilan ang pagpapatupad ng panibagong taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin.


Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA), 5 hanggang 10 porsiyento ang itataas sa presyo ng ilang brand ng sardinas, meat loaf, kape, evaporated milk, suka, asukal at instant noodles.


Matatandaang una nang humirit ng dagdag-presyo ang mga manufacturer na inaprubahan naman ng Department of Trade and Industry (DTI). Paliwanag naman ng kinauukulan, ang nasabing mga presyo ay pasok pa rin sa ipinatutupad na suggested retail price (SRP) ng DTI.


Nangangahulugan ito na kailangang mas galingan pa ang diskarte sa pagba-budget at pagtitipid.


Gayunman, dumarating na tayo sa punto na hindi na talaga kaya. Tipong hindi pa man sumasayad ang suweldo o kita sa mga palad, nakalaan na para ipambayad sa mga utang, bayarin sa kuryente, tubig at iba pa. Halos tanggap na nating naghahanapbuhay tayo para pambayad-utang. Nakakalungkot na marami sa atin ang wala na talagang pagkakataon para makaipon.


Kung may mga oportunidad lang sana na magbubukas para magkaroon ng dagdag-income. ‘Yung puwedeng magtrabaho nang higit sa isa o puwedeng may mapagkakitaan habang nasa bahay.


Sa ilang lugar, nakakatuwa na aktibo ang mga livelihood program. May mga pribadong indibidwal at grupo na handang umalalay sa mga nangangailangan. Sana ganundin ang sa gobyerno, mas mapalawak ang mga programa sa mga barangay. Napakalaking tulong nito pantapat sa taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page