top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Little Mayor na no show palagi sa city hall...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 1 min read

ka-share na sa ari-arian ng pulitiko, ka-tandem-in-crime pa kaya pati pambabae ng tropa, pinagtatakpan!

ni Chit Luna - @Yari Ka! | July 16, 2020



Dahil sa dami ng ari-arian ng pamilya ng isang pulitiko na nakabase sa NCR, inilagay na lamang ang ilan sa mga ito sa pangalan ni Little Mayor na kilala sa tawag na “Kapatid”.


“Kapatid” ang tawagan nila dahil nagkasama sila nang matagal sa isang religious organization.


Payaman nang payaman na raw si “Kapatid” kasi nagkaroon na rin siya ng mga shares sa mga yaman ng kilalang pulitiko. Huwaaaw!


‘Yun nga lang, ang nakakainis kay Little Mayor o “Kapatid”, may dalawa siyang posisyon sa city hall pero hindi naman ito makita sa kanyang opisina! Kaya, ang mga tauhan nito ng umaaktong boss na talaga namang nakakabuwisit dahil kahit sandamukal sila ay hindi nila nagagawa ang kanilang trabaho! Kadalasan, naghihintay nang matagal na oras ang mga taong naghahanap kay Little Mayor pero palaging no show.


Heto pa ang matindi, may chika na “taga-takip” din daw si “Kapatid” ng lahat ng kapilyuhan at kabulastugan ng kaibigang pulitiko, lalo na sa pambababae. Kapal talaga!

Minsan nga raw ay nanggagalaiti sa galit ang asawa ng pulitiko kay “Kapatid” dahil pinagtakpan nito ang “tagong relasyon” ng asawa sa isang beauty queen.


Ibang klase, hindi lang pala sa “shares” nagkakasundo ang dalawa, kundi tandem-in-crime pa talaga ang peg nila. Walastik!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page