top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Listahan ng 4Ps, rebyuhing mabuti

BULGAR
Jun 3, 2022
2 min read

@Editorial | June 3, 2022


Hindi pa man pormal na nakakaupo sa puwesto, may mga plano na ang mga bagong opisyal sa mga programa at proyekto na ipagpapatuloy ng gobyerno.


Tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sa halip na buwanan, nais ng incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary na gawing isang bagsakan ang pagbibigay ng conditional cash assistance sa mga benepisaryo.


Sa ngayon, kung tumatanggap ng P1, 200 hanggang P1, 400 kada buwan ang benepisaryo ng 4Ps, na puwedeng i-lump sum nang isang taon, ang P12,000 hanggang P14,000 ay maaari na umanong ipang-negosyo. Puwede rin umanong dagdagan pa hanggang P20,000.


Layon umano nitong matulungan ang mag-anak na makatayo na sa sarili nilang mga paa.


Maaari umanong simulan paunti-unti, ‘pag sablay, balik sa buwanang ayuda.


Bagama’t nilinaw naman na pag-aaralan pa ng mga eksperto at social workers ang mungkahing ito.


Samantala, bago sana magkaroon ng mga pagbabago sa programa, unahin muna ang mismong listahan.


Sana ay ma-update muna ang listahan ng 4Ps beneficiaries. May mga reklamo na ang iba sa mga tumatanggap ng ayuda ay hindi naman talaga mahirap. Habang ang mga karapat-dapat sa tulong ay hindi naman napapabilang.


Dapat masala nang mabuti ang mga nabibigyan ng ayuda para patas sa lahat.


Kailangan na ring gawing digitalize ang pamamahagi ng ayudang pinansiyal para mapabilis ang proseso.


Tiyakin din na natutupad ang mga kondisyon tulad ng buntis na dapat magpa-pre-and postnatal care, at dumalo sa childbirth ng trained professional; ang mga magulang at guardian, dapat dumalo sa family development sessions, na kabilang ang paksa sa responsible parenting, health, and nutrition; ang mga bata na edad 0-5 ay kailangang tumanggap ng regular preventive health check-ups at vaccines; ang mga batang edad 6-14 ay dapat tumanggap ng deworming pills ng dalawang beses isang taon; ang mga batang edad 3-18 ay dapat nag-aaral at mapanatili ang attendance sa 85% ng class days bawat buwan.


Mapalad ang mga nabibigyan ng ayuda mula sa pagtutulungan ng sambayanan, kaya huwag sana nating sayangin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page