Search
  • BULGAR

Lider ng transport group na si Efren De Luna, inatake, pumanaw na


ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 27, 2021




Pumanaw na ang transport group leader na si Efren De Luna noong Biyernes nang umaga dahil sa atake sa puso sa edad na 67.


Ayon sa kapatid ni De Luna na si Consuela De Luna, patay na siya nang makita ng kanilang 87-anyos na ina sa kuwarto nito.


Aniya, "Inatake po siya sa puso noong Friday nang madaling-araw."


Dinala pa umano si De Luna sa ospital ngunit bigo nang i-revive ng mga doktor.


Nakaburol ang mga labi ni De Luna sa Samson Funeral Homes, Bacoor, Cavite.


Si De Luna ay ang president ng Alliance of Concerned Transport Organizations.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.