top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Libreng tulong-legal sa mahihirap

BULGAR
Sep 19, 2022
1 min read

@Editorial | September 19, 2022


Tagumpay ang pagpapatupad ng libreng legal assistance para sa mahihirap. Ito ay kasunod ng pagsasabatas ng tinaguriang ‘Lapid Law.’


Halos labing dalawang taon mula nang mapirmahan ang Lapid Law bilang batas, ang Implementing Rules and Regulations o ang IRR nito ay napirmahan na noong Setyembre 8, ayon kay Sen. Lito Lapid patungkol sa RA 9999 o ang Free Legal Assistance Act of 2010.


Layon ng RA 9999, na mahikayat ang mga abogado na magbigay ng libreng serbisyo sa mahihirap para na rin mabawasan ang mga kaso sa Public Attorney’s Office.


Samantala, bilang sukli sa mga abogado, bibigyan naman sila ng tax deductions.


Aminin man natin o hindi, nagkalat ang mga abusado kaya't maraming kababayan natin, partikular ang mahihirap, ang tila mailap ang hustisya. Hindi tulad sa mga taong mapera, na madalas ay may 'proseso' pa, hirap ang mga pobre na ipaglaban ang kanilang karapatan o ang masaklap, sila lamang ang nakatitikim ng parusa na 'legal na paraan' mula sa kasalanan o pagkakamali na hindi naman lubusang nabigyan ng pagkakataong mapatunayan kung tunay o pang-aabuso lamang sa estado o kapangyarihan.


Kaya naman, magandang balita ang libreng legal assistance, malaking bagay na malamang mayroon silang masasandalan para sa patas na batas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page