Libreng sakay, malaking kagaanan sa publiko
@Editorial | April 28, 2022
Grabe na naman ang presyo ng petrolyo. Lahat na yata ng diskarte sa pagtitipid eh ginagawa na ng publiko.
Mainam din na kahit paano ay may ibang tulong na nailalaan.
Tulad ng mga libreng sakay kung saan inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang extension nang isa pang buwan para sa free rides sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).
Sa isang advisory, sinabi ng DOTr na libre pa rin ang mga pasahero sa bago lamang isinailalim sa rehabilitation na MRT3 line hanggang May 30, 2022.
Ito ay sa kahit anong oras sa pagitan ng operating hours mula alas-4:40 ng madaling-araw hanggang alas-10:10 ng gabi.
Kung maalala una nang ipinatupad ang libreng sakay mula March 28 hanggang April 30 bilang hudyat ng pagtatapos ng MRT3 rehabilitation.
Kasabay din ito ng kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakapagtala ang MRT3 ng aabot sa 7,227,434 na passengers as of April 26, 2022 na mga naging benepisyaryo ng free ride program.
Malaking tulong ito sa publiko lalo na ngayong non-stop ang oil price hike.
Sa totoo lang, kung maayos ang ating mass transportation at mas pipiliin ng mamamayan na mag-commute, hindi lang tayo makakatipid sa langis, bawas-trapik at polusyon pa.



Comments