top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Libreng sakay hanggang katapusan ng taon, sure na, ayos!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2022
  • 1 min read

@Editorial | August 5, 2022


Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy hanggang Disyembre 31, 2022 ang Libreng Sakay program.


Ayon sa ahensya, mayroon ng sapat na pondo na nakalaan para sa pagpapatuloy ng paghahatid ng libreng sakay sa mga pasahero ng EDSA Bus Carousel.


Una nang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayroon lamang pondo ang ahensya para sa Libreng Sakay program hanggang sa Setyembre.


Samantala, ayon naman sa DOTr, ang tiyak pa lamang ay extended ang Libreng Sakay hanggang sa Disyembre 31 ng kasalukuyang taon at wala pang ibinigay na detalye kung magpapatuloy ito sa susunod na taon.


Napakalaking tulong ng libreng sakay sa mga commuters. Nababawasan ang gastusin sa gitna ng kaliwa't kanang taas-presyo at mas mabilis pa ang biyahe. Kaya may mga de-kotse na rin ang mas pinipili nang mag-commute.


Mas mainam talaga kung mapagbubuti pa ang mass transportation sa bansa. Malaking ginhawa ang maibibigay.


Samantala, kung happy ang mga pasahero, dapat ay masaya rin ang mga drayber ng Libreng Sakay.


Ibigay ang nararapat para sa kanila, ang tamang halaga, sa tamang panahon. Huwag natin silang pabayaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page