top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Libreng medical check-up sa lahat ng Pinoy, oks!

BULGAR
Jul 8, 2022
1 min read

@Editorial | July 8, 2022


Sa panahon ng COVID-19 pandemic ay mas nabigyang-pansin ang pangangalaga sa kalusugan.


Nasaksihan at naranasan ng marami kung paano malagay sa alanganin ang pagkakaroon ng mahinang pangangatawan. ‘Ika nga nila, mas may laban ang malulusog kaysa maysakit.


Ito rin ang panahon na tila naglabasan ang mga karamdamang hindi natin alam na taglay pala natin.


Ang isa sa mga dahilan ay marami ang atras magpatingin sa doktor dahil sa takot na mapagastos. Bukod sa mga test, may posibilidad pang mapabili ng mga gamot. Kaya ang katwiran ng marami, imbes na pampa-check-up, ipambili na lang ng pagkain ang pera. Bilang resulta, ang isang simpleng sakit, puwedeng dumami at lumala hanggang sa lalong mapagastos o goodbye na.


Bilang tugon sa matagal nang kinatatakutan ng mga Pinoy, isang panukala ang inihain sa Kongreso. Ito ay ang pagkakaroon ng libreng medical check-up ang lahat ng mamamayan kada taon. Kabilang dito ang pagsasailalim sa screening, laboratory and diagnostic tests at konsultasyon sa doktor.


Masasabing marami pang usapin sa kalusugan na nangangailangan ng pagtugon ng gobyerno. Umaasa tayo na sa bagong administrasyon ay higit na mapagtutuunan ito ng pansin.


Napakahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon ng matalino at malulusog na mamamayan. Bukod sa taglay nating mga likas na yaman, ang yamang tao ay may malaking ambag sa pampulitika at pang-ekonomiyang kalagayan ng isang bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page