top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

LGUs na eepal sa pamamahagi ng SAP, kakasuhan ng DILG

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 8, 2021
1 min read

@Editorial | April 08, 2021



Nagsimula na ang pamimigay ng ayuda sa mga residente mula sa iba’t ibang lugar na sakop ng NCR Plus na kasalukuyang nasa ilalim ng enhance community quarantine (ECQ).


Kaugnay nito ay agad nagbabala na sasampahan ng kaukulang kaso ng Department of Interior and Local Government ang mga barangay officials na eepal at mananamantala sa pamimigay ng social amelioration program (SAP).


Ipinagbabawal ng DILG ang paglalagay ng pangalan o kahit pa initials lamang ng sinumang pulitiko sa ipamimigay na ayuda, in cash man ito o in kind.


Bawal din ang paglalagay ng picture o logo ng pulitiko sa envelope na paglalagyan ng ayuda o sa plastic na gagamitin kung groceries items ang ipamamahagi at maging ang pamumudmod ng mga polyetos.


Sa gitna ng kalamidad o sakuna, inaasahan ng ordinaryong mamamayan ang malasakit ng mga namumuno o lider ng bansa. ‘Wag sanang samantalahin ang kasalukuyang sitwasyon para makapagpalapad ng papel sa masa lalo pa’t malapit na rin ang susunod na eleksiyon.


Tandaan, ang tunay lingkod bayan ay marunong tumulong sa sariling sikap, malaman man ‘yan ng publiko o hindi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page