top of page

LGSF, dapat bantay-sarado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 15, 2026



Editoryal, Editorial


Ang Local Government Support Fund (LGSF) ay pondong inilaan ng pambansang pamahalaan upang tulungan ang mga nasa lokal sa pagpapatupad ng mahahalagang proyekto. 


Ginagamit ito para sa mga proyektong tulad ng kalsada, health centers, paaralan, at iba pang serbisyong direktang nakikinabang ang mamamayan.


Ngayong 2026, ang LGSF ay umabot sa P57.87 bilyon, pinakamalaki sa kasaysayan, at nakalaan para sa imprastruktura, disaster preparedness, at social services.

Kasabay nito, tiniyak ng mga opisyal na hindi raw ito magagamit sa papalapit na halalan, dapat lang.


Malaki ang naitutulong ng nasabing pondo lalo na sa mga bayan at lalawigang kinakapos. Dahil dito, mas napapabilis ang pagpapatayo ng mga imprastraktura at mas napapabuti ang serbisyong panlipunan. 


Sa simpleng salita, ang LGSF ay dagdag-suporta upang mas maayos na makapaglingkod ang mga lokal na opisyal sa kanilang nasasakupan.


Kaya mahalagang tiyakin na nagagamit nang tama ang pondo. Dapat malinaw kung saan ito napupunta at dapat may tamang report sa bawat proyektong pinopondohan. Ang pera ng bayan ay para sa bayan, kaya kailangan ang maingat at tapat na paggamit nito.


Sa huli, ang LGSF ay mahalagang instrumento upang mapalakas ang lokal na pamahalaan at mapaganda ang serbisyo-publiko. 


Kapag wasto ang pamamahala, mas ramdam ng mamamayan ang tunay na benepisyo nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page