Lee bronze sa Para Cycling, delivery rider nanorpresa
- BULGAR

- Mar 30
- 1 min read
by Elyssa NIchole @Sports News | March 30, 2026
,

Photo: Nasungkit ni Gerard Lee ang unang medalyang bronze sa Para Track Cycling habang winasak ni Zendrick Ivan Honorica ang 20-taong Philippine record ni Jan Paul Morales sa sprint. Si Honorica ay isang food panda delivery boy gamit ang kanyang bisikleta sa hanapbuhay. (philcycling photo)
Pinadyak ni Patrick Gerard Lee ang unang medalya para sa Pilipinas matapos sikwatin ang bronze sa men C5 scratch race ng Para Cycling sa Asian Cycling Confederation Track and Para Track Cycling championships na ginanap sa Tagaytay CT Velodrome, kahapon.
Unang continental exposure ni Lee at ng national para cycling team, nakapagbigay agad ito ng bronze medal para sa bansa sa annual championships na hosted ng PhilCycling at Tagaytay City—and the first continental exposure of the national para cycling team.
Maliban sa medalya, nakakuha si Lee ng points para sa qualification sa Los Angeles 2028 Paralympics.
Bago na pinasaya ni Lee ang mga cycling fans sa loob ng Tagaytay CT Velodrome, nakapagtala ang Panda Food delivery bike rider na si Zedrick Ivan Honorica ng bagong Philippine record sa men elite sprint.
“I pushed and pushed myself, it’s a very tough race,” saad ng 21 anyos na si Lee, “I’m really very happy because it’s for our country,”.
Nakatakda pa ring pumedal ni Lee sa huling araw ng kompetisyon. Napanalunan ni Uzbekistan rider Azimbek Abdullaev ang gold medal at napunta kay Ruito Kameda ng Japan ang silver.
Isa pang Filipino cyclist na si Joel Inn Tacutaco ay lumanding sa fifth place sa karerang sinalihan ng may 14 riders.





Comments