Landbank nag-remit ng P50B sa Maharlika
- BULGAR

- Sep 16, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | September 16, 2023

Inanunsyo ng Land Bank of the Philippines na nag-remit ang ahensya ng P50 bilyong kontribusyon sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa isang pahayag, sinabi ng Landbank na ginawa nito ang pamumuhunan sa sovereign wealth fund sa pamamagitan ng Bureau of the Treasury nitong nakalipas na Setyembre 14, Huwebes.
Inaatasan ng batas ang Landbank at ang national government na magbigay ng tig-P50 bilyon sa MIF.
Habang ang Development Bank of the Philippines ay maglalaan naman ng P25 bilyon.
"With the regulatory requirements in place, and after securing the seed capital from state-run institutions, we are confident that the Fund will be operational by yearend," wika ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Binanggit naman ng Finance department na nakatanggap na sila ng mga interesadong maglagak ng salapi para sa Maharlika Fund.
Matatandaang ang mga implementing rules and regulations ng nasabing kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas ay inilabas noong huling bahagi ng Agosto.








Comments