Lalo raw nanghihina… MARICEL, AYAW NANG MAGPA-CHEMO
- BULGAR
- 3 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 13, 2025

Photo: JK, Belle, Maricel at Piolo
Palaisipan sa amin ang karakter ni Maricel Soriano sa pelikulang Meet, Greet & Bye (MGB) kung makakaligtas siya sa sakit na cancer o hindi.
Kaya namin ito nasabi ay dahil bumalik ang sakit niya at pinipilit siyang magpagamot ng panganay niyang anak sa pelikula na si Piolo (Tupe) pero ayaw na niyang magpa-chemotherapy dahil mas lalo siyang nanghihina.
At dahil dito ay naghanap ng mga herbal medicines ang isa pang anak ni Marya na si Joshua Garcia (Brad) na tutol naman si Piolo dahil mas naniniwala siyang mas gagaling ang ina nila through chemo.
May conflict sina Piolo at Joshua dahil base sa trailer ay iniwan ng una ang nanay nila kasama ang mga kapatid niya sa probinsiya na sina Josh, Belle at JK.
Mahilig sa Korean stars ang karakter ni Marya. May Korean oppa na magso-show sa bansa at gustong mapanood ni Maricel pero ayaw siya payagan ng mga anak dahil delikado para sa kalagayan niya.
At para payagan si Maricel ay pumayag siyang magpa-chemo basta’t manonood siya ng kanyang Korean idol, kaya may deal sila ng anak na si Papa P.
Samantala, natanong sina JK, Belle at Piolo kung ano ang gagawin nila kung sakaling nasa sitwasyon sila ng mga karakter nina Piolo, Joshua at Belle.
Si Belle ang unang sumagot, “Grabe wait... I honestly don’t know how I take it, me as Belle not Geri (karakter n’ya). Grabe, ang strong-strong ng character namin dito. Ang strong ni Tupe (Piolo), ni Brad (Joshua), ni Leo (JK), ni Geri kasi just to go through that, to face it ay grabe! I don’t know how to face it honestly, only time will tell. If I’m in that situation, siguro I'll do my best to be strong not for me but for my Mama.”
Inamin ni JK na nangyari na ito sa buhay niya.
Kuwento niya,“I’ve been in that situation, I was 12 and I did not know what to do and I think that’s okay. It’s okay not to know what to do. There’s no right or wrong answer.
“We all go through different stories and situations differently, we grieve differently. But as individuals, always remember that you’re never alone, that’s it.
“When I lost my dad I was 16, so I couldn’t process it back then, but now facing this kind of situation, it was hard and that’s something na parang ayaw mong mangyari, so you’re never prepared for it but you have to be strong not just for yourself but for the loved ones especially the mom.”
Kuwento naman ni Piolo, “No one is prepared, so kailangan mong magpakita ng kalakasan kahit masakit and it’s hard.”
Panay ang punas ng mga bida ng kanilang mga mata sa mediacon ng MGB habang sinasagot nila ang tanong, dahil sabi nga nila, “No one is prepared.”
Ang husay ng pagkakasulat ng script nina Jumbo Albano at Patrick Valencia na ang inspirasyon para mabuo ang kuwento ay ‘universal fear of losing a parent’.
“What really pushed us to tell this story is that this is our love letter to our parents, the same way kung paano s’ya naging love letter din ni Direk (Cathy) sa kanyang mga anak,” saad ni Jumbo.
Mapapanood ang Meet, Greet & Bye sa November 12 sa mga sinehan mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana, handog ng ABS-CBN Film Productions (Star Cinema).
BLIND ITEM:
NAPAPAILING si Aktor A sa aktres dahil halatang pinagseselos siya dahil panay ang pa-cute nito kay Aktor B.
Dedma si Aktor A dahil katwiran niya, “Pakialam ko naman sa inyo.”
Tsika ng aming source, “Magulong kausap kasi si (aktres) at may gusto s’ya kay (Aktor A) kaso hindi naman s’ya type, kaya kay (Aktor B) na lang s’ya nagpapapansin at pinansin naman s’ya.
“‘Pag nalaman ni (aktres) na may chance na magkikita sila ni (Aktor A) dahil may show sila ay papapuntahin n’ya si (Aktor B) at naglalambing na dalhan s’ya ng food at sakto na dumating nga si (Aktor A) at makikita n’yang sweet ‘yung dalawa at kunu-kunong nagsusubuan ng food.
“Alam mo ba kung ano ang gagawin ni (Aktor A) habang sweet-sweet-an sina (aktres) at (Aktor B) at hindi pa sila sumasalang sa harap ng kamera? Matutulog sa isang tabi si (aktor A).”
Kaya inis na inis daw ang aktres dahil hindi siya pinapansin ni Aktor A.