top of page
Search
  • BULGAR

Lalaking nagpakalat ng nude photos ng ex-GF, timbog sa Bulacan

ni Jasmin Joy Evangelista | December 22, 2021



Timbog ang isang lalaki sa Balagtas, Bulacan matapos nitong ipakalat ang mga nude photos ng kanyang dating nobya.


Batay sa report, makikipagkita dapat ang lalaki sa dating nobyang si alyas Ana, 20, para makipag-ayos at makipagbalikan kapalit ng pagbura nito sa mga hubad na larawan ng dalaga na ipinakalat na sa social media.


Gumawa umano ang suspek ng dummy account gamit ang mga hubad na retrato ng biktima bilang profile picture.


“Nagpapadala siya ng mga pictures nu’ng ating victim sa mga friends niya, sa mga auntie, relatives niya. Ngayon, kapag hindi siya nakipagbalikan o makipagkita dito sa ating suspek, ipagpapatuloy niya ’yung pag-spread ng nude photos ng victim," ani Police Maj. Evangeline Geminiano.


Hindi na umano makayanan ni Ana ang pananakit at pagiging seloso ng suspek kaya nakipaghiwalay siya, bagay na hindi naman matanggap ng lalaki. Sila ay apat na taong magkarelasyon.


"Sa sobrang tiwala at pagmamahal nila sa isa’t isa nakakapag-produce sila ng mga nude photos or nude videos. Ngayon ang diperensya dumarating ’yung problema kapag nagkakahiwalay na sila, nagbe-break na sila, lalo na kung hindi matanggap nu’ng isang party," ani Geminiano.


Kasalukuyan nang nakakulong sa Balagtas Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong grave coercion, paglabag sa Republic Act 9262 o Violence against Women and their Children, Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act in relation to RA 10175 o ang Anti-Cybercrime Prevention Act.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page