Lalaki, huli-cam sa pagnanakaw sa natutulog na lola sa footbridge ng Caloocan
- BULGAR

- Jul 22, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 22, 2020

Nahuli sa camera ang isang lalaki matapos na nakawin ang wallet ng 68-anyos na lola habang natutulog ito sa ilalim ng foot bridge sa Caloocan City.
Nakita sa kuha sa CCTV ang ginawang pangungulimbat ng 25-anyos na lalaki ang wallet ng lola na naglalaman ng pera mula sa kanyang panlilimos sa buong maghapon.
Agad na rumesponde ang pulisya at barangay upang hanapin at hulihin ang suspek.
Narekober sa suspek ang wallet at pera, relo, at iba pang gamit ng lola. Matinding galit ang inilabas ng lola nang makita ang mga gamit na nasa bag ng suspek.
Napaiyak ito sa sama ng loob dahil sa nag-iisa at nagsisikap na mamalimos sa kalsada para sa kanyang kakainin at mabuhay pa, na nanakawin lamang. Nakakulong na ang lalaki at sasampahan ng kasong theft.





Comments