Lalaki, arestado sa ilegal na pagbebenta ng petrolyo

ni Mervin Reyes @News | October 27, 2026

Photo: PNP-CIDG
Tiklo ang isang lalaki dahil sa umano'y ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo sa Brgy. Rogus, Cauayan City, Isabela, kung saan nasamsam ang 740 litro ng gasolina na nagkakahalaga ng P715,640.
Ayon sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, walang maipakitang kaukulang dokumento o permit ang suspek, kabilang ang Certificate of Compliance at Certificate of Authority mula sa Department of Energy (DOE).
Kinumpiska ang isang gasoline pump machine na naglalaman ng 740 litro ng gasolina na hinihinalang ibinebenta nang walang kaukulang awtorisasyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33 at Presidential Decree No. 1865, na may kaugnayan sa ilegal na pagbebenta, pamamahagi at kalakalan ng mga produktong petrolyo.
Kasunod nito, nagpaalala si CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II sa publiko na magpakarga lamang sa mga awtorisadong gasolinahan at huwag magpalinlang sa mga nag-aalok ng petrolyo sa napakababang presyo.





Comments