top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lahat puwede nang lumabas, pero bawal pasaway, plis lang!!!

BULGAR
Oct 15, 2021
1 min read

@Editorial | October 15, 2021


Ibinaba na sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR).


Kaugnay nito, pinayagan nang lumabas ang lahat ng edad at bukas na rin ang iba pang establisimyento.


Dahil sa patuloy umanong pagbaba ng kaso ng COVID-19, mas magiging maluwag na ang mga ipatutupad na alituntunin.


Gayunman, hindi ito nangangahulugang dapat nang magpabaya.


Alalahanin, bagama’t bumaba ang bilang ng nagpopositibo, kumakalat pa rin ang virus.

Huwag namang maging dahilan din ang pagluluwag para muling tumaas ang kaso at mapilitan na naman tayong bumalik sa mas mahigpit na lockdown.


Ang isa sa mga layunin ng pagbaba sa Alert Level 3 ay para makabawi ang ating ekonomiya. Marami na ang nagugutom at napapagod sa kadidiskarte para maitawid ang bawat araw.

Kaya sa mga magpapasaway d’yan, magsipasok na lang kayo ng bahay.


Kung lahat ay magiging disiplinado at hindi makakalimot sa banta ng COVID-19, tuluyan din tayong makakalaya sa pandemyang ito.


Palaging sundin ang mga protocols, ‘pag sinabing bawal, bawal. ‘Pag sinabing ito lang ang puwede, sumunod, ‘wag nang makipagtalo dahil magdudulot lang ‘yan ng gulo.


Muli, puwede nang lumabas lahat pero, hindi puwedeng magpasaway, plis lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page