Lahat dapat ready kung magbababa ng Alert Level
@Editorial | February 15, 2022
Kasabay ng pinag-uusapang alert level sa National Capital Region (NCR), nais naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magkaroon ng ligtas na pagbubukas sakaling ilagay na ito sa Alert Level 1 health restriction.
Sinabi rin ng ahensiya na suportado nila ang nasabing pagbaba ng nasabing alert level sa NCR.
Kasabay nito ang paalala na dapat munang tiyakin ng gobyerno na ligtas ang lahat dahil ayaw nating mangyari na magkaroon muli ng surge kapag niluwagan na ang NCR.
Ganundin tayong mamamayan, dapat tayong maging handa at gamitin ang pagkakataon para mas mapabuti ang pamumuhay.
Batid natin na parang marami na ang nakalilimot na may COVID-19 pa dahil sa init ng kampanya para sa Halalan 2022, pero sana, hindi ito magdulot ng paninagong problema, plis lang.
Sakaling mangyari ang paglagay sa Alert Level 1 ay magiging ito ang unang pagkakataon na mailagay sa nasabing alert level ang NCR mula nang ipatupad ang panibagong alert system sa bansa noong Setyembre 2021.
Muli, dapat munang maging handa, unawain ang mga usapin o posibilidad sa mas mababang alert level at lagi pa ring maging responsable sa ating mga kilos para tuluyan na nating makontrol ang sitwasyon sa gitna ng pandemya.



Comments