top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lahat dapat magkaisa para sa maayos na balik-eskwela

BULGAR
Aug 16, 2022
2 min read

@Editorial | August 16, 2022


Joint forces ang iba't ibang ahensya ng gobyerno para matiyak na magiging maayos at ligtas ang pasukan.


Sa Oplan Balik Eskwela (OBE), nasa 17 kagawaran at ahensya ng gobyerno ang nagsama-sama sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) para sa paglulunsad, kung saan ipinrisinta nila ang kani-kanilang hakbang para sa paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.


Ayon sa ng Department of Health (DOH), pinaiigting nila ang pagbabakuna kontra COVID-19. Tutulong din umano ang ahensiya sa pag-monitor ng pagpapatupad ng minimum health standards sa mga iskul.


Samantala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman, tuloy ang supplementary feeding program sa mga piling paaralan, kung saan kailangan ng tulong ng mga bata pagdating sa nutrisyon.


Nakahanda na rin ang Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng pagtatayo ng assistance desk malapit sa mga paaralan para matiyak ang peace and order.

Join din ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkukumpuni sa mga paaralan.


Siniguro naman ng Department of Transportation (DOTr) na sapat ang public transportation sa pagbubukas ng klase dahil nagbukas na sila ng mga bagong ruta ng mga bus, jeep, UV Express at iba pa. Habang ang Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) naman ang nakatoka sa pag-inspeksyon sa mga terminal na malapit sa schools at sa kabuuang daloy ng trapiko.


At marami pang ahensya ng gobyerno ang nakibahagi sa OBE.


Kasabay nito, inilunsad din ng DepEd ang isang command center na handang tumanggap ng mga reklamo o anumang isyu hinggil sa pagbubukas ng klase.


Bukod sa gobyerno, kailangan ding makipag-cooperate nating mga magulang at mismong mga estudyante.


Maaaring sa mga unang araw ay uminit ang ating ulo, huwag sana tayong maubusan ng pasensya dahil magiging maayos din ang sistema.


Sa ngayon, ugaliin nating makinig sa mga anunsyo ng kinauukulan, sumunod at huwag pasaway.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page