top of page

Laging nananaginip ng barya, sign na iniismol ang sarili

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 7, 2020
  • 2 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 7, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Dorothy na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Madalas akong makapanaginip ng mga barya. Noong nakaraang gabi, napanaginipan ko na may barya sa bulsa ko, pero wala namang barya roon dahil alam ko na ipinambayad ko ‘yun sa binili ko. Minsan naman, barya ang nakalagay sa wallet ko at walang perang papel. Sabi ko, puro pangati ang laman ng wallet ko, tapos nagising na ako. Ano’ng ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Dorothy


Sa iyo Dorothy,


Kadalasan, ang malaking pagkakamali ng tao ay minamaliit niya ang kanyang sarili kaya halos hindi siya umaaseno na ang isa pang ibig sabihin, hindi malayo ang kanyang mararating. Ang pahabol na kahulugan ay maliliit lang ang kanyang magiging achievements sa buhay.


Minsan kasi, akala ng tao, kapag minamaliit niya ang kanyang sarili, siya ay nakakasunod sa Banal na Utos na “Magpakababa kayo,” ito kasi ang bilin ni Lord bago Siya umangat sa langit.


Marami ang hindi nakakuha ng tunay na kahulugan na kaya ito ibinilin ni Lord ay para magpakababa ang matataas. Kaya ang utos na ito ay hindi para sa mga taong wala pang nararating sa buhay o hindi pa umangat ang kalagayan.


Madali lang naman itong maunawaan, bakit mag-uutos na magpakababa kung ang isang tao ay nasa ibaba na, kaya malinaw na ang Banal na Utos na ito ay para sa matataas na ang kalagayan sa buhay.


Ayon sa iyong panaginip, minamaliit mo ang sarili mo, kaya dapat mong maunawaan na ang bilin ng iyong panaginip ay huwag mong maliitin ang iyong sarili nang sa gayun ay umasenso ka nang todo.


Kapag asensado ka na, saka mo isabuhay ang utos na ang tao ay dapat na magpakababa.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page