Kuwaiti Emir - Sabah, nakakarekober na matapos maoperahan
- BULGAR

- Sep 6, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 6, 2020

Nasa mabuting kalagayan at nakakarekober na ang 91-anyos na si Kuwait’s Emir Sheikh Sabah al-Ahmad al-Sabah, ayon sa prime minister ng nasabing bansa.
Kasalukuyang nasa United States si Al-Sabah simula noong nakaraang buwan upang kumpletuhin ang medical treatment nito matapos ang isinagawang surgery sa Kuwait sa hindi malamang kondisyon.
Ayon kay PM Sabah Al-Khalid Al-Sabah, itinalaga ng Kuwaiti emir ang crown prince para pansamantalang pamunuan at humalili sa responsibilidad na naiwan ng lider ng naturang bansa.





Comments