top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg

Kutsilyo, isiningit sa libro... 2 estudyante, pinagsasaksak ng Grade 6 sa iskul

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | November 26, 2026



2 estudyante, pinagsasaksak ng Grade 6 sa iskul - DepEd Kalayaan Elementary School - NCRPO Circulated

Photo: File / DepEd Kalayaan Elementary School - NCRPO Circulated



Sugatan ang dalawang estudyante matapos umanong pagsasaksakin ng isang 12-anyos na Grade 6 pupil sa Kalayaan Elementary School sa Brgy. 176-F, Bagong Silang, Caloocan City, Miyerkules ng umaga.


Ginagamot sa ospital ang mga biktima na isang 11-anyos na babaeng Grade 6 at siyam na taong gulang na lalaking Grade 4.


Ayon sa ulat ng pulisya, nakararanas umano ng madalas na pambu-bully, pananampal at pangungutya ang 12-anyos kaya hindi na ito pumapasok sa paaralan.


Gayunman, nang pilitin umano ng kanyang lola na pumasok, nagdala ito ng kutsilyo na isiningit sa libro at pinagsasaksak ang dalawang biktima.


Natuklasan din ng mga awtoridad na nakikipag-ugnayan ang suspek sa isang online groomer sa pamamagitan ng Roblox at TikTok. 


Nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development (CSWD) Office ang menor-de-edad para sa kaukulang interbensyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page