top of page

Kursong angkop sa ugali at palad ng binatang gustong yumaman

  • BULGAR
  • Jun 2, 2022
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 2, 2022



KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto ko ring yumaman at malaman kung anong kurso ang bagay sa akin upang makamit ko ang pangarap ko na yumaman. First year college na kasi ako sa darating na pasukan.

  2. Gayundin, ginagawa ba ang pagyaman o ito ay nakatakda sa buhay ng isang tao? Kung ginagawa o pinaghihirapan ang pagyaman, magagawa ko ba ito at kung ito ay nakatakda, nakaguhit ba ito sa aking mga palad?

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Ian, ang pagyaman ay nakatakda at ginagawa, kaya parehong tama ang mga sinabi mo. Halimbawa, kung ikaw ay nagtataglay ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, gayundin, kaunti lang ang guhit ng iyong palad at nagkataon pang medyo makapal o sabihin nating malaman at kapag sinalat ang iyong palad ay tumatalbog-talbog, ‘yan ang enerhiya ng pagyaman o pagkamal ng maraming salapi. Kung nagkataon ding ikaw ay may simpleng lagda, lalo na kung dalawang initial lang at pagkatapos ay apilido na at hindi binaboy o binurara ang iyong pirma.

  2. Ito ay indikasyong simple lang ang magiging takbo ng iyong isipan at kapag naging negosyante ka, ang simpleng pangarap na ito ay kung paano lamang kumita at mag-impok ng milyon-milyong halaga. At dahil puro pera at materyal na bagay ang nasa isip mo, ito ay indikasyong ikaw ay tiyak na yayaman.

  3. Paano naman masasabing ginagawa rin ang pagyaman? Sa kabila ng nasa guhit ito ng mga palad mo, ang mga tanda na binanggit na sa itaas, ‘yun pala ay waldas at bulagsak, ka, hindi ka rin yayaman. Kaya kung nasa guhit ng palad mo ang pagyaman, ngayon palang ay dapat matuto ka na ng tamang paggasta ng pera. Bukod pa rito, dapat ay alam mo ring magpahalaga sa bawat salapi o sentimo na napupunta sa iyong mga kamay.

  4. Kapag presente ang nasabing mga tanda at pag-uugali sa iyong pagkatao, tulad ng naipaliwanag na, magkaugnay at joint-force ang takdang kapalaran at angking katanginan ng isang indibidwal, sa edad mong 45 pataas, walang kahirap-hirap na mag-uumpisa hanggang sa tuloy-tuloy ka nang yumaman.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Wala namang kursong nagpapayaman dahil hindi naman ito kurso kundi ugali. Halimbawa, medical course ang natapos mo at nakapag-abroad ka at malaki ang kita mo sa ibang bansa, at pagkatapos ay padala ka nang padala sa mga magulang mo rito sa Pilipinas, habang ang pamilya mo rito ay gastador at puro pala pagpapasarap sa buhay ang ginagawa, sa palagay mo ba ay yayaman kayo?

  2. Bagama’t yayaman kayo, tatagal lamang ito nang ilang taon. At habang kumikita ka ng malaking halaga sa abroad at patuloy na nagpapadala ng remittances, pero kapag natapos na ang maganda mong career, dahil hangal ang mga taong pinapadalan mo ng pera rito sa bansa, masasayang lang din ang pagyamang napala mo habang ikaw ay nasa ibang bansa.

  3. Sa madaling salita, ayon sa iyong mga datos, Ian, sa pagsusuring isinagawa, kahit anong kurso ang kunin mo sa kolehiyo, mas bagay sa iyo ang kursong nasa medical field. Dahil sa birth date mong 7 at zodiac sign na Pisces, tandaan mong ang mas mahalaga ay ang attitude mo kung paano ang tamang paghawak ng salapi at kung paano ang pag-iipon at mamahalin ang salaping nahahawakan mo. ‘Yun ang magpapayaman sa iyo nang husto, na nakatakdang maganap sa taong 2051 at sa edad mong 45 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page