top of page

Kunwari lang nanligaw… ALDEN, GINAMIT LANG DAW SI KATHRYN, MOVIE KUMITA NG BILYON, BABU NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 23, 2025



Photo: KathDen - FB


Marami ang nagtatanong sa amin kung ano raw ba ang opinyon namin sa lumabas na balitang hindi na umano itinuloy ni Alden Richards ang panliligaw kay Kathryn Bernardo.

May mga nag-aakusa kasi kay Alden bilang isang ‘user’ na porke’t tapos na raw at kumita na ang movie nila ni Kath ay biglang may ganitong balita. 


“S’yempre, tapos na ang movie, may bilyones nang kinita at wala nang promo, kaya’t tapos na rin ang mga usual n’yang (Alden) pakilig, kuning-kuning nanliligaw, etc.,” sigaw ng mga disgusted netizens.


“Hmmm…itinigil na (panliligaw) dahil sila na. Ano ba kayo? Kaya nga labas-masok na sa bahay nina Kath at close na sa pamilya lalo na kay Mommy Min,” depensa naman ng maraming KathDen supporters.


Pero ang hindi namin kinakaya talaga ay ang hanggang ngayong paniniwala ng mga ‘delulung fans’ ng AlDub na hindi na nga raw puwede kahit kailan ang KathDen dahil sa apat na anak nina Alden at Maine Mendoza.


Basta ang alam namin, very good friends sina Kath at Alden at regular silang nagkikita at nag-uusap.


Matatanda na sila para makipaglaro pa o lokohan sa atin, ‘noh!



NAPAKIUSAPAN kami ng ating mahal na mahal na Star for All Seasons Vilma Santos na maging representative niya sa ginanap na Plaridel Reception sa UP Diliman last February 20.


Ito nga ‘yung okasyon kung saan pormal na inilunsad ang Plaridel Journal na isa sa mga behikulo upang maipalaganap ang mga artikulo at likhang sulatin tungkol sa multimedia, mga practitioners nito at iba pang bagay na nagsusulong ng mga adbokasiya sa sining, kultura, teknolohiya at peryodismo sa bansa.


At dahil isa si Ate Vi sa mga pinagpipitaganang ‘recipients’ ng Gawad Plaridel award, inanyayahan siya sa nasabing pasinaya. Pero dahil nga sa mga previous commitments ni Ate Vi sa Batangas at mga gawaing natapat sa araw ng event, ang inyong lingkod ang nag-represent sa kanya.


Sa loob ng 20 taon ng UP Gawad Plaridel, labing-anim na kapuri-puring mga media practitioners na ang ginawaran ng honor simula noong 2004 hanggang nitong 2023. Walang naganap na awarding noong mga panahon ng pandemic (2020-2022).


Si Vilma Santos ang kauna-unahang taga-film industry na ginawaran nito noong 2005, sumunod sa pinakaunang recipient nitong si Eugenia Apostol (PDI publisher) para sa Journalism noong 2004.


Nakasama namin sa naturang okasyon ang ilan sa iba pang honorees ng Gawad Plaridel gaya nina Mam Cecilia “Cheche” Lazaro (2007 for TV), National Artist Kidlat Tahimik (2009-Independent Film), Jose “Pete” Lacaba (2013 -Print) at Bonifacio Ilagan (2019-Theater-Film & TV).


At dahil kausap namin the previous day si Mam Jessica Soho (2018-Journalism), ipinaabot na rin namin ang kanyang pagbati at pasasalamat sa mga organizers.

Ang ilan pa sa mga nagawaran na ng UP Gawad Plaridel ay sina Fidela “Tiya Dely” Magpayo (2006-Radio), Pachico Seares (2008-Community Radio), Eloisa Cruz-Canlas (2011-Radio, naging program host kami sa naturang pagpaparangal kay Ma’am Eloi), Rosa Rosal (2012-TV), Nora Aunor (2014- Film, Music and TV), Ricardo “Ricky” Lee (2015-Film), Francisca “Babes” Custodio (2016-Radio), Tina Monzon-Palma (2017-TV), Jessica Soho (2018-Journalism) at Manuel “Mr. Shooli” Urbano (2023- TV-Film).

Sina Kidlat Tahimik, Nora Aunor at Ricky Lee ay pawang mga National Artists na ngayon.



MAHAL na mahal talaga ng mga del Rosario ng Viva Group of Companies si Carlo Aquino.


Sa ginawa kasing pagbabalik-Viva Artists Agency ni Caloy, talagang personal pa siyang sinamahan ng magkakapatid na sina Ma’m Veronique, Sir Vincent at Ma’am Verb upang makaharap ang mga members of the media sa muli niyang pagpirma ng kontrata.


Noon pa mang 2005 hanggang 2011 ay batang Viva na si Carlo at sa napakaraming mga projects na kanyang ginawa sa kumpanya, kahit wala na siyang kontrata ay kinukuha pa rin siyang bida sa mga projects nito.


Well, kung tutuusin ay higit na nakilala ang pagiging leading man ng award-winning actor sa mga Viva movies niya pero naging mahirap pa rin daw sa kanya ang magpaalam sa ABS-CBN.


“Tatlong beses akong nakipag-usap kay Direk Lauren (Dyogi). Una pa lang ay pinayagan na ako pero para kasing may kulang sa pamamaalam ko. “Nakulitan na nga sa ‘kin dahil nu’ng sa pangatlong beses na ay sinabi na ni Direk na ‘Oo nga, pinapayagan na kita. Wala namang problema,’” pahayag pa ng aktor.


Mas pogi, maporma at halata ang kakaibang awra sa hitsura ngayon ni Carlo. May pagka-fashionista na ito na siya raw mismo ang gumagawa sa sarili.


Ibang klase nga lang daw siguro ang influence sa kanya ng misis na si Charlie Dizon dahil puro magaganda at positive ang nararamdaman niya.


Okey na okey na rin ang relasyon niya sa kanyang daughter na madalas na niyang nakaka-bonding. 


“Ang bilis ngang lumaki. Hindi ko talaga ma-imagine ‘yung pagdating ng araw na may manliligaw na sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko o gagawin ko,” hirit pa ng ngayo’y 40 years old na aktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page