Kung si Bea, nagsalita na…PIOLO AT ECHO, TAMEME PA SA KUMALAT NA MAG-OOBER DA BAKOD NA SA TV5
- BULGAR

- Jul 6, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 6, 2020

May mga sitsit na may offer umano ang TV5 sa mga Kapamilya artists na sina Bea Alonzo, Piolo Pascual at Jericho Rosales para gumawa ng teleserye. Kumalat ang balitang ito hindi lang sa social media kundi maging sa print media.
Agad namang pinabulaanan ni Bea ang balita tungkol sa diumano'y paglipat niya ng network. Sa Instagram Story ng aktres na ibinahagi niya sa Kapamilya Kingdom, ang natanggap umano niyang offer ay "fake news.”
Ibinahagi rin niya ang isang art card na nakalagay ang slogan ng Kapamilya Network: “Still In The Service of The Filipino.”
Ang dalawang mahusay na aktor ay wala pang reaksiyon hinggil sa paglipat nila diumano sa TV5.





Comments