Kung may absenero, Sena. Revilla, Go at Dela Rosa, perfect attendance naman sa Senado
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 5, 2024
‘DI SAYANG ANG PERA NG BAYAN KINA SENS. REVILLA, GO AT DELA ROSA, KASI WALA SILANG ABSENT SA SENADO -- Kung si Sen. Alan Cayetano ang numero unong absenero sa Senado, may 12 senador naman ang perfect attendance sa mga session sa Senado, at sa 12 senador na ito na walang absent ay 3 ang re-electionist sa 2025 senatorial election, at sila ay sina Sen. Bong Revilla, Sen. Bong Go at Sen. Ronald dela Rosa.
Ang nais nating ipunto rito ay hindi sayang ang pera ng bayan kina Senators Revilla, Go at Dela Rosa, at ang mga tulad nila na hindi pala-absent ang dapat muling iluklok sa Senado, period!
◘◘◘
BAON NA BAON NA SA UTANG ANG ‘PINAS, KASI PUMALO NA ITO SA HIGIT P14.79 TRILLION --Isinapubliko ng Bureau of Treasury (BOT) na pumalo na ngayon sa higit P14.79 trillion ang utang ng Pilipinas sa mga financial institution sa mundo.
Noong panahon ng 2022 campaign period, paniwalang-paniwala ang majority Pinoy sa post sa social media ng mga bayarang fake news vloggers na kapag si Bongbong Marcos (BBM) daw ang nanalong presidente ay babayaran nito ang lahat ng utang ng bansa, iyon pala nang maluklok ay mas lalong ibabaon sa utang ang ‘Pinas, boom!
◘◘◘
MGA SANGKOT SA ANOMALYA SA NFA DAPAT KASUHAN AT IKULONG -- Umusad na ang imbestigasyon ng Dept. of Agriculture (DA) tungkol sa anomalya sa National Food Authority (NFA) na may kaugnayan sa mga nakaimbak na mga milled rice sa mga bodega ng NFA na ibinebenta sa murang presyo na P25 per kilo sa mga kapitalistang rice traders.
Sana, lahat ng sangkot sa anomalyang ito ay sampahan ng kaso at ikulong kasi unfair sa mamamayan ang ginagawa ng mga NFA official na nagbebenta sa mahal na presyo sa publiko, tapos sa murang presyo ang benta nila sa mga
kapitalista, tsk!
◘◘◘
SA MARCOS ADMIN NANGYARI NA PINAMUGARAN NG SUROT, DAGA AT IPIS ANG NAIA --Matapos mag-viral sa social media ang sangkatutak na surot at daga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), may panibagong nag-trending sa paliparang ito, ang isang ipis sa upuan sa NAIA at tiyak ang ipis na ito ay may mga kasamahan pang ipis na nakasiksik lang kung saan-saan sa pangunahing airport ng ‘Pinas.
Ngayon lang nangyari ‘yan sa panahon ng Marcos administration na ang NAIA, na siyang pangunahing paliparan ng ‘Pinas, ay pinamumugaran ng mga surot, daga at ipis, boom!





Comments