ni Angela Fernando @Entertainment News | June 28, 2024
Naging matalino ang pagsagot ng vlogger at kagawad na si Krissy Achino sa mga tanong na ibinato sa kanya ni Aiko Melendez nang mag-guest ito sa YouTube channel ng aktres.
Bilang kapwa public servant, hindi naiwasang mausisa ni Aiko ang pananaw ni Krissy sa umuugong na usapin sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at sa mga ilang ilegal na gawaing kadikit nito.
Sey ni Krissy, hindi raw siya sang-ayon sa POGO kahit pa nagbibigay ito ng malaking revenue sa ilang munisipalidad lalo pa kung kalakip naman daw nito ay mga ilegal na gawain tulad ng torture, kidnapping, at pagpatay.
Saad niya “Kung ito-tolerate natin ang POGO na may kalakip na illegal activities, di sana nagbenta na lang tayo ng shabu. Sana ini-legalize na lang natin 'yung drugs. Mas malaki ang kita ru'n.”
“Very well said,” sagot naman ni Aiko, na sumang-ayon sa articulate na opinyon ni Krissy. Natuwa naman ang mga tao at mga katulad ni Krissy na naglilingkod sa bayan dahil aware nga ito at maingat sa kanyang mga sagot.
Sey pa ng mga netizens, impressed daw sila dahil may mga young breed ng politicians ang pro-people at matapat na naninilbihan sa bansa.
Comments