top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pamilyadong katrabaho, dapat hiwalayan para ‘di maging forever kabit

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | January 29, 2022




KATANUNGAN

  1. Ang malaki kong problema ay umiibig ako sa lalaking may asawa na. Kasamahan ko siya sa trabaho at dahil hindi na raw siya masaya sa asawa niya, sa akin niya raw natagpuan ang tunay na ligaya. Noong una ay hindi ako naniniwala sa kanya dahil alam kong ang mga lalaki ay bolero para makuha ang gusto nila sa isang babae. Pero dahil ipinakita niya na caring siya, lalo na nang nasa ospital ang mother ko, napatunayan ko na mahal niya talaga ako at ang aking pamilya.

  2. Sa ngayon, lihim ang aming relasyon pero natsi-tsismis na kami sa opisina. Gusto ko siyang iwasan dahil alam kong mali ang ginagawa namin, ngunit umaayaw ang puso ko sa gustong gawin ng aking isip.

  3. Bakit ganu’n, Maestro, bakit parang higit na makapangyarihan ang damdamin kaysa sa isipan? Sa iyong nababasa, makakaiwas pa ba kami sa isa’t isa, gayung dama namin na nagmamahalan talaga kami? Minsan niya nang sinabi sa akin na itigil na ang aming relasyon dahil makakahanap pa ako ng higit sa kanya. At nang sinabi niya ‘yun, unti-unting tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan, kaya niyakap niya ako nang mahigpit.


KASAGUTAN

  1. Sabi nga ng isang quote na nabasa ko sa social media, “Who do you turn to when the only person in the world that can stop you from crying is exactly the one making you cry.” ‘Yan ang malaking problema mo, Jheng, ano ang gagawin mo nang matuklasan mong ang lalaking dumampi at nagpatigil ng iyong luha ay siya rin pala ang nagiging dahilan nito?

  2. Ganundin ang nais ipahiwatig ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) na nagkaroon ng malaking bilog sa kaliwa at kanan mong palad, tanda na bagama’t umiibig at maligaya ka ngayon, kasabay ng takot at pag-aalala, sigurado na ang magaganap. Tulad ng naipahayag na, maghihiwalay din kayo ng karelasyon mo.

  3. Kung ngayon ay pinahiran at pinatigil niya ang iyong pagluha, sa panahong naghiwalay na kayo, muli ka niyang paluluhain at mas marami pa ito. Kaya hangga’t maaga pa, pilitin mo siyang iwasan upang higit na manaig ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing B. 1-M arrow b.), na buo at maganda sa kanan mong palad kaysa sa split, magulo at may bilog sa unahan na Marriage Line (Drawing A. 1-M arrow c,.) sa kaliwa mong palad.

  4. Tanda na kung hindi mo pipigilin ang iyong sarili na umibig sa lalaking may asawa na, may posibilidad na ang takdang kapalaran na nasa kaliwang palad mo ang manaig. Ito ay dahil ang nawasak at magulong Marriage Line (A. 1-M arrow c.) na maliwanag na senyales na habambuhay kang magiging kabit o kerida. At sa panahong ganu’n na nga ang sitwasyon, nagsasama na kayo bilang ikaw ay kanyang kabit, tatanungin mo na lang sa iyong sarili kung bakit nagkaganu’n. Sabi nga, “He taught me how to love but not how to stop.”

MGA DAPAT GAWIN


  1. Nangyayari lamang na damdamin ang higit na nanaig kaysa sa isip, at tila higit na makapangyarihan ang emosyon kaysa sa rason, sa panahong ang isang tao ay baliw na baliw sa pag-ibig. Pero alam natin na dahil ang pag-ibig o ang ma-in love ay nasa ilalim ng tinatawag na emosyon, ito ay lumilipas din. Kaya lang, kapag mahal na mahal mo ang isang tao at palagi mong nakikita, matatagalan talaga itong lumipas at mawaglit.

  2. Gayunman, Jheng, kaya mo ‘yan. Panaigin mo ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing B. 1-M arrow b.) sa kanan mong palad upang sa paghihiwalay n’yo, kapwa kayo magiging maligaya.

  3. At kapag nagawa mong makipaghiwalay sa kanya ngayon, kapwa kayo magiging bayani kung saan itutulak ka niyang makahanap ng mabuting lalaking higit sa kanya. Habang ikaw naman ang gagabay sa kanya na muling bumalik sa legal na asawa at makabuo silang muli ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page