top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Krisis sa pabahay, dapat nang tutukan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2021
  • 1 min read

@Editorial | March 13, 2021



Kasabay ng dinaranas na pandemya dulot ng COVID-19, nagdeklara naman ng housing crisis sa bansa ang House Committee on Housing and Urban Development.


Sa pagdinig ng komite, inaprubahan nito ang isang substitute resolution na nagdedeklara ng housing crisis matapos lumobo sa 6.7 milyong bahay ang kailangan hanggang sa taong 2022.


Sa pamamagitan ng resolusyon ay umaasang mahihikayat ang mga ahensiya na mapadali ang housing production. Ganundin ang mas mabilis na pamamahagi ng pabahay sa mga dapat na benepisaryo.


Napag-alamang kabilang sa malaking hamon na kinahaharap ng sektor ng pabahay ay ang inefficiencies at red tape sa pamahalaan. Sangkatutak na proseso at dokumento ang kailangan bago makapagpatayo, na tumatagal ng dalawa hanggang apat na taon bago masimulan ang isang proyekto.


Nakakalungkot isipin na marami pa ring Pinoy ang walang sariling tirahan. Napakalawak ng bansa, maraming bakanteng lupain subalit, hindi napapakinabangan.


At mas lalo nating nakita ang kawalan nang maayos na tirahan ngayong pandemya.


Sa gitna ng ipinaiiral na community quarantine, hindi malaman kung paano magsisiksikan ang mag-anak sa napakaliit na bahay.


Grabeng sakit din sa ulo lalo na sa bulsa ang dinanas at dinaranas hanggang ngayon ng mga nangungupahan.


Hindi naman kailangan ng malaking bahay sa bawat pamilyang Pinoy, ang sarili at disentengtirahan ay sapat na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page