Ni Angela Fernando @Entertainment | Sep. 27, 2024

Photo: Instagram (IG) | Krishnah Gravidez
Naglabas ng pahayag at paghingi ng tawad si Miss World Philippines 2024 Krishnah Gravidez at ang Miss World Philippines Organization (MWPO) kadikit ng isyu sa viral TikTok video ng 'guess the bill' challenge.
Matatandaang maraming madlang pipol ang pumalag sa nasabing video na ini-upload sa TikTok account ni Emman Atienza dahil isa lang naman ang beauty queen sa mga nag-flex na umabot sa higit P130,000 ang kanilang dinner bill at hindi ito ideal na pamumuhay para sa isang Miss World Philippines title holder lalo na't developing country pa ang bansa at marami ang naghihirap.
Paliwanag ng beauty queen sa isang Instagram post, ang video ay ginawa nila for fun at wala naman daw silang intensiyon na ipakita o i-promote ang maluho o ang ganu'ng uri ng marangyang pamumuhay.
Inamin niya ring may responsibilidad siya sa nangyari at nagsisisi na rin daw siya sa anumang negatibong impresyon nito sa mga netizens.
Samantala, ipinagtanggol naman ng MWPO si Gravidez at binigyang-diin nilang hindi sumasalamin sa tunay na karakter ng beauty queen ang content ng nasabing video.
Comments