Korupsiyon sa road reblocking, talupan
- BULGAR
- 3 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | October 12, 2025

Marami ang napeperhuwisyo at talagang nagagalit na sa paulit-ulit na road reblocking lalo na kung maayos pa naman ang kalsada.
Bakit kailangang sirain ang kalsadang wala namang sira? At sa wakas, nabigyang-pansin na ito makaraang suspendihin ang road reblocking sa buong bansa dahil sa tila modus operandi. Paulit-ulit na lang: maayos pang kalsada, babakbakin, tapos gagastusan muli.
Habang nagtitiis sa trapik ang mga motorista, may mga kumikita sa likod ng pekeng proyekto. Perhuwisyong trapik para sa publiko, pero kita para sa iilan.
Tama lang na suspendihin ang mga proyektong ito. Pero hindi sapat ang suspensyon. Dapat may managot at may reporma.
Ang perang ginagastos para sa mga walang saysay na bakbakan ay buwis ng taumbayan. Dapat itong gamitin sa tama — sa mga kalsadang tunay na kailangan ng pagsasaayos, hindi sa mga proyektong gawa-gawa para pagkakitaan.
Comments