top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Konsehal sa Ilocos Norte, patay sa pamamaril

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | December 7, 2021



Patay ang isang konsehal sa Sarrat, Ilocos Norte matapos siyang pagbabarilin ng dalawang salarin na lulan ng motorsiklo nitong Lunes nang umaga.


Kinilala ang 69-anyos na biktima na si Apolonio Medrano, kasalukuyang konsehal ng Sarrat.


Ayon kay Police Maj. Jepphre Taccad, public information officer ng Ilocos Norte Police, pinuntahan ng biktima ang nakaparada nitong sasakyan sa gilid ng national highway pagkatapos ng kanilang flag raising ceremony sa munisipyo.


Nang sasakay na ito ay doon na siya pinagbabaril ng suspek.


“Ililipat sana niya ang kaniyang sasakyan so noong time na sasakay siya ay nilapitan siya ng gunman at pinagbabaril siya," ani Taccad.


Pagkatapos umano ng pagbaril ay agad na tumakas ang suspek at sumakay sa minamanehong motor ng kasama nito.


Sinubukan pa umano ng ilang residente na habulin ang mga salarin ngunit hindi ito nakilala at hindi rin inabutan.


Dead on arrival ang biktima na nagtamo ng limang tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page