top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Kongreso, nilamon ng drama at pansariling interes

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 14 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 28, 2026



Editoryal, Editorial


Habang lumalala ang mga isyung pampulitika sa bansa—mga bangayan, bardagulan, batuhan ng akusasyon, at walang katapusang intriga—nawawala sa sentro ng atensyon ang tunay na dahilan kung bakit may Kongreso: ang paggawa ng batas.


Ang mga mambabatas ay hindi dapat nagiging pangunahing aktor sa drama ng pulitika. Kapag mas nauuna ang pansariling interes, alyansa, at bangayan kaysa sa paglikha ng solusyon sa mga problema ng bayan, ang talo ay ang mamamayan na umaasa sa konkretong aksyon.


Sa halip na ubusin ang oras sa mga pagtatalo na kadalasan ay nauuwi lamang sa ingay at dibisyon, mas mahalagang ituon ang lakas sa pagbuo ng mga batas na tutugon sa kahirapan, korupsiyon, kakulangan sa serbisyo, at mabagal na pag-unlad. Ang mga problemang ito ay hindi nasosolb ng press conference o social media statement—kundi ng maayos, malinaw, at maipatutupad na lehislasyon.


Kung ang Kongreso ay nagiging entablado ng bangayan imbes na institusyon ng solusyon, nawawala ang tiwala ng publiko sa sistemang dapat sana’y kumakatawan sa kanila.


Ang kailangan ay mga senador at kongresista na babalik sa kanilang pangunahing mandato—ang gumawa ng batas na may saysay, may direksyon, at tunay na pakikinabangan ng sambayanan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page