top of page
Search
  • BULGAR

Kita sa laban kay McGregor, ido-donate ni Pacquiao

ni Lolet Abania | September 26, 2020




Ido-donate ni boxing champ at Sen. Manny Pacquiao sa mga tinamaan ng COVID-19 ang malaking bahagi ng matatanggap sa magiging laban niya kontra kay Conor McGregor, ayon sa special assistant niyang si Jake Joson.


"Malaking portion ng kikitain ni Sen. MP sa kanyang susunod na laban, eh, ido-donate niya sa mga victims ng COVID," sabi ni Joson.


Sa pahayag ni Sean Gibbons, presidente ng Manny Pacquiao Promotions, ang laban sa pagitan ng eight-division world champion na si Pacquiao at ng Irish mixed martial arts star na si McGregor ay matatawag na "tremendous global event."


Una rito, sa huling boxing fight ni Pacquiao kontra kay Keith Thurman noong 2019, nakuha ng senador ang WBA welterweight crown.


Samantala, ayon kay Joson, umabot na sa isang taon ang pakikipag-usap ng Team Pacquiao sa grupo ni McGregor na pinamumunuan ng manager nitong si Audie Attar na naantala dahil sa COVID-19 pandemic.


Pina-finalize na lang ng mga abogado ng parehong kampo ang contract, "but both fighters are getting ready for this one epic last boxing fight," sabi ni Joson.


"So, nagplantiya pa ng contract ang mga lawyers about this huge boxing match Pacquiao vs. Mc Gregor," sabi pa nito.


Gayunman, wala pang napagkasunduang petsa ng laban, subali’t posibleng mangyari ito sa 2021, ayon pa kay Joson.


"Gaya ng sabi ni Audie Attar maybe it will happen next year in the Middle East. So, it’s really happening Pacquiao vs. McGregor. At ‘pag natuloy ‘yan, eh, sabi ni Sen. MP, tamang-tama ‘yan para ‘yung portion ng kikitain diyan, eh, maitutulong niya sa mga Filipino na naapektuhan ng COVID," paliwanag ni Joson.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page