top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kinamayan ni BBM, pahiwatig na magbabago ang mga plano

BULGAR
Jun 2, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 2, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Divina ng Tondo.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-meet kami ni president-elect Bongbong Marcos at kinamayan niya ako, pero hanggang du’n lang at lumayo siya agad. Dumating naman si Robin Padilla, ngumiti siya sa akin at kinamayan ako.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Divina


Sa iyo, Divina,


Ang ibig sabihin ng nag-meet kayo ni president-elect Bongbong Marcos ay makakatanggap ka ng parangal sa lugar n’yo. Kaya lang, ang sabi mo ay lumayo na siya matapos kang kamayan. Ito ay nagpapahiwatig na magkakaroon ng pagbabago sa mga plano mo.


Samantala, tungkol naman kay Robin Padilla na dumating at kinamayan ka rin, nangangahulugan ito na ang pinaplano mo at pinakamimithing gawin ay maaaring hindi matuloy dahil na rin sa sarili mong kapabayaan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page