top of page
Search
  • BULGAR

Kinalabasan ng hula, mangyayari sa totoong buhay

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 17, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romnick ng Cubao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may hawak akong baraha at nagso-solitaire ako, tapos naisipan kong hulaan ang sarili ko. Tiningnan ko ang magaganap sa akin sa present and future.

Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Romnick



Sa iyo, Romnick,


Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na may hawak kang baraha at naglalaro ng solitaire, senyales ‘yan na mabibiyudo ka sa huling bahagi ng buhay mo hanggang sa tuluyan ka nang bawian ng buhay.


Samantala, ‘yun namang hinulaan mo ang present at future mo, ito ay nagpapahiwatig na bigyang-pansin mo ang kinalabasan ng iyong hula dahil posibleng magkatotoo ang nabasa mo sa baraha. ‘Yun mismo ang magaganap.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page