Kinain ang nilutong jam, babala ng kabiguan sa pangarap
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 22, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flora ng Catbalogan City.
Dear Maestra,
Isa ako sa mga tagahanga ng inyong kolum. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nagluto ako ng jam, tapos tinikman ko agad ito. Nasarapan ako kaya kumain ako nang marami, tapos pinatikim ko rin ito sa kapatid ko at nasarapan din siya. Maya-maya, kumati ang balat ko at na-allergy ako sa kinain kong jam.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Flora
Sa iyo, Flora,
Ang ibig sabihin ng nagluto ka ng jam ay may dadaluhan kang kasalan sa inyong lugar. Ang kinain mo ang jam ay nangangahulugan ng pansamantalang kabiguan sa pinapangarap mo sa buhay. Ang pinatikim mo sa iyong kapatid ang niluto mong jam ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa kaibigan o karelasyon mo dahil hindi totoo ang ipinakikita niyang kabutihan dahil may binabalak siyang hindi maganda laban sa iyo.
Samantala, ang ibig sabihin ng kumati ang balat mo matapos kumain ng maraming jam ay kalungkutan at hindi stable na kalagayan. Makakaranas ka ng pabago-bagong sitwasyon sa buhay mo. Maging handa ka sa anumang sandali at iwasan mong mag-panic.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments