Kinagat ng wolf at binuhusan ng alak ang sugat
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 02, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni George ng Lucena, Quezon.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan sa kabila ng pandemyang nararanasan natin sa kasalukuyan. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nasa gubat ako.
Tapos may dumating na wolf at kinagat ako. Agad akong umuwi ng bahay at binuhusan ng alak ‘yung sugat ko dahil sa kagat ng wolf. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
George
Sa iyo, George,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kinagat ka ng wolf ay may kaaway kang lihim na nagbabalak ng gawan ka ng hindi kanais-nais. Sisirain niya ang reputasyon mo, kaya maging maingat ka sa pakikitungo mo sa mga kaibigan dahil ang isa r’yan ay lihim mong kaaway.
Gayunman, ang sugat ay nangangahulugan na yayaman at liligaya ka sa pag-ibig.
Samantala, ang sabi mo ay binuhusan mo ng alak ang iyong sugat, ito ay nagpapahiwatig na may maganda kang kalusugan sa kasalukuyan. Ito rin ay nangangahulugan ng kasaganaan at kaligayahan sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments