Kinagat ng aso, pahiwatig na may kaibigang mantatraydor
- BULGAR

- Sep 11, 2020
- 1 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 11, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Elsa na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Napanaginipan ko na kinagat ako ng aso. Hindi naman masakit, pero may marka ng kagat. Pumunta ako sa health center, tapos binakunahan ako ng anti-tetanus, at sabi roon, i-report ko sa kanila kung ano ang kondisyon ng aso. Ano ang kahulugan nito?
Naghihintay,
Elsa
Sa iyo, Elsa,
Ang nangyari sa iyong panaginip ay parehong-pareho ng nangyayari sa tunay na buhay kung saan dapat bantayan at i-report kung nagbabago ang kilos ng asong nakakagat.
‘Yung pagbabakuna ng anti-tetanus sa iyong panaginip ay ganundin sa tunay na buhay –ang mga nakagat ng aso ay bibigyan ng anti-tetanus shot.
Sa iyong panaginip, dapat obserbahan ng nakagat ng aso ang kanyang mga kaibigan at kakilala na nagsisilapit sa kanya dahil ang isa sa mga ito ay mapagkunwari na mabait, pero may masamang motibo pala.
Ang asong nangagat sa panaginip ay simbolo ng traydor na tao. Ito ay ang mga taong sisiraan ang kapwa at minsan ay gugulangan, iisahan at aagawan ng mahal sa buhay sa pamamagitan ng paninira sa nanaginip. Kaya ang payo ng iyong panaginip, palagi kang mag-ingat.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







Comments