Search
  • BULGAR

KIM, NAMUDMOD NG RELIEF GOODS SA MGA DRAYBER NG DYIP

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 24, 2020




Muling lumabas sa kalsada ang Kapamilya actress na si Kim Chiu hindi para mag-promote ng controversial song niyang Bawal Lumabas kundi this time, para mag-distribute ng kanyang tulong sa mga jeepney drivers na matagal nang natigil sa pamamasada dahil sa covid-19 pandemic.


Nag-viral ang pictures ni Kim sa iba't ibang online news habang tumutulong sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga jeepney drivers na naapektuhan ng lockdown at nasuspinde ang pamamasada sa iba't ibang parte ng bansa.


Based sa mga larawang lumabas sa mga online news, makikita si Kim na nakasuot ng orange t-shirt mula sa kanyang ibinebentang Bawal Lumabas merchandise at nag-aayos ng mga relief goods na ayon sa ibang netizens ay galing nga sa pinagbentahan ng kanyang mga t-shirts.


Sinubukan naming hanapin sa Instagram account ni Kim ang tungkol sa pamumudmod niya ng relief goods sa mga jeepney drivers, pero walang ganitong post ang aktres.


Ang mga lumabas na pictures pala na ginamit ng mga online news ay kuha mula sa Piston, ang samahan ng mga jeepney drivers sa bansa.


Pinapurihan ng maraming netizens ang ginawa ni Kim. Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin:


"Yung kahit bina-bash ka nila, handa ka pa ding tumulong sa ibang tao, kaya hinahangaan kita kahit ano pa ang sabihin nila sa 'yo, stay pa din kami sa 'yo, Ate Kimmy. I love you ate Kimmy. God bless you always, ingat ka palagi."


"O ayan po 'yung binash n'yo, tumulong sa kapwa.....kaya sana po, lahat ng namba-bash, eh, tumulong din kayo..."


Bongga talaga ni Kim!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.